from FB post of Ibaan, Batangas
Naging makasaysayan ang pagdiriwang ng ika-191 na taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Ibaan sa pagsasagawa ng ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐ฝ๐๐ด๐ฎ๐: ๐จ๐ป๐๐ฒ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ณ ๐๐ฏ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ช๐ฎ๐น๐น o ang pagpapakilala ng isa sa mga landmark ng Bayan ng Ibaan ngayong Pebrero 9 sa Ibaan People’s Park.
Ang nasabing Ibaan Historical Wall ay laan ng lokal na pamahalaan ng Ibaan upang bigyang pugay at karangalan ang mga bayaning Ibaeรฑo mula na noon hanggang ngayon at layuning ipaalala sa mga Ibaeรฑo sa kasalukuyan ang kabayanihan nila upang maging ehemplo at tularan para sa bayan ng Ibaan.
Partikular na inalay ang nasabing historical wall sa Ibaan Regiment noong panahon ng Hapon na nakibaka upang matamo ng bansa ang kasarinlan.
Dumalo rin sa nasabing pagpupugay ang ilan sa mga kaanak ng mga bayaning Ibaeรฑo na labis na ikinatuwa ang nasabing pagkilala.