
PANALO ang isang mananaya ng lotto ang naging instant milyonaryo sa Bagong taon matapos manalo noong Linggo (Enero 4, 2025) ng P314 milyong Ultra Lotto 6/58 jackpot.
Nahulaan ng bettor ang winning combination na 36-46-16-19-23-27, na may jackpot prize na P314,591,292.80 ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO
Walang nanalo sa iba pang malaking jackpot na inaalok noong Linggo.
Wala pa ring nakasungkit sa Superlotto 6/49 jackpot na P15,840,000 matapos walang nakakuha ng winning combination na 12-35-16-07-45-42.
Matatandaan noong nakaraang buwan, isang bettor ang nakakuha ng P202.5 million 6/55 lotto jackpot prize.