KUMPISKADO ang tinatayang higit 200 libong halaga ng shabu sa kahabaan ng Don Hilario Avenue, Brgy. San Juan Taytay, Rizal bandang 12:15 ng umaga nitong Lunes.
Ayon sa ulat, nagsagawa ang Taytay Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli ni Alyas Adonis, 53-taong gulang ng Taytay, Rizal matapos na magbenta ito ng isang pakete ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Kabilang din sa nakumpiska sa suspek ang ebidensiyang gagamitin tulad ng 6 na pakete na may lamang hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit kumulang 30 gramo na nagkakahalaga ng mahigit 200 libong piso (PHP 204,000.00), 1 piraso ng 1000 peso bill (buy bust money, 1 piraso ng 500 peso bill (recovered money), 1 piraso ng pouch.
Dadalhin ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Samantala, kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Taytay Custodial Facility na nahaharap sa reklamong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PCol Felipe Maraggun, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office ang naging matagumpay na operasyon at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga dito sa probinsya.