TIKLO ang labintatlong Chinese national ang dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) noong Oktubre 30 dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa mga mining sites sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar.
Ang mga pag-aresto ay kasunod ng coordinated operation ng Intelligence Division (ID) ng BI sa pakikipag-ugnayan sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay BI-ID Chief Fortunato Manahan, Jr., natuklasan ang mga dayuhang manggagawa sa dalawang magkahiwalay na mining site sa isla.
Base sa imbestigasyon 11 sa mga naarestong indibidwal ang may hawak na working visa ngunit napag-alamang nagtatrabaho sa ibang kumpanya, na isang paglabag sa kanilang visa. Isang indibidwal ang may hawak ng retiree’s visa, habang ang isa ay nakilala bilang isang overstaying alien.
Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pangangailangang ipatupad ang batas ng imigrasyon, “Illegal employment undermines local laws and communities. We are committed to monitoring and addressing cases like these to protect our borders and environment,” said Viado. “The recent operation on Homonhon Island highlights our close coordination with national agencies to ensure compliance with our regulation”.
Ang pisikal na kustodiya ng mga naarestong indibidwal ay mananatili sa PAOCC, habang inihahanda ng Bi ang kanilang deportasyon .