SWERTENG nakaligtas ang labing apat na tripulante matapos lumubog ang isang barkong kargado ng 5,400 litro ng krudo sa nadala ng bagyong Agaton sa Camotes Island.
Bagamat ligtas ang mga lulang tripulante, lubos naman ang pagkabahala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa posibleng pagtagas ng langis mula sa lumubog na MV Logan.
Gayunpaman, wala pang nakikitang palatandaan ng pagtagas ng langis, kassabay ng pagtitiyakl na mahigpit nilang binabantayan ang posibleng oil spill sa barkong hanggang sa mga oras na isinusulat ang balitang ito at hin di pa naiaahon sa bahagi ng karagatan kung saan naganap ang naturang insidente