
Arestado ang 152 indibidwal sa isang linggong operasyon na Simultanous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation ng Laguna PNP mula December 19-24, 2022 .
Sa ulat kay Laguna Police Provincial Office, Acting Provincial Director, Police Colonel Randy Glenn G Silvio, ang isang linggong accomplishments ng Laguna PPO laban sa illegal na droga at illegal na sugal kasama rin ang loose firearms at mga naarestong wanted persons sa buong lalawigan ng Laguna.
Sa anti-illegal drugs operation nagsagawa ang Laguna PNP ng 43 operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 48 indibidwal at nakumpiska sa mga naarestong drug suspect ang mga hinihinalang illegal na shabu na may timbang na aabot sa 32.89 gramo na may tinatayang halaga na aabot sa Php 244,030.00 at marijuana na may timbang na 44.09 gramo na may halagang aabot sa Php 5,268.00 pesos.
Sa kampanya naman kontra illegal gambling, ang Laguna PNP ay nakapagtala ng 32 operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 68 na indibidwal, 59 dito ay arestado sa illegal number games o bookies habang 7 naman ang naaresto sa iba pang sugal at umabot naman sa Php 58,000.00 ang nakumpiskang pera.
Sa manhunt operation na isinagawa ng Laguna PNP, naaresto ang 7 Most Wanted Person kabilang dito ang 1 Regional Level, 1 Provincial Level, 5 City/Municipal Level at 26 naman ang naaresto na kabilang sa Other Wanted Person.
Samantala, sa Loose Firearms Operation naman na isinagawa ng Laguna PNP ay nakapagtala ng 3 operation na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 3 personalidad, habang kumpiskado naman ang firearms.
Ang matagumpay na pagsasagawa at pagpapatupad ng aktibong suporta ng mamayan sa lalawigan ng Laguna dahil ayon kay PCOL Silvio “Itong mga accomplishments ng Laguna PNP ay isang patunay na ang inyong kapulisan at komunidad ay may maayos na ugnayan, sapagkat malaki po ang kanilang ambag sa pagsugpo sa kriminalidad at sila din ay kaisa ng PNP upang magkaroon ng maayos, ligtas at mapayapang holiday season sa lalawigan ng Laguna”.