IPINAGDIWANG ang ika-162 taong anibersaryo ng kapangakan ni Dr. Jose Rizal kahapon , Hunyo 19, 2023.
Nag-alay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani sa Museo ni Jose Rizal sa Calamba ang pamahalaang lungsod ng Calamba sa pangunguna ni Mayor Roseller Rizal, National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Emmanuel Calairo, Senator Francis Tolentino , Laguna Governor Ramil Hernandez at Vice- Governor Atty. Karen Agapay.
Sinabi ng alkalde sa kanyangt mensahe na may responsibilidad ang mga taga-Calamba na panatilihing buhay ang alaala ng pambansang bayani.
Hinimok nito na gawing inspirasyon ang mga aral at paniniwala ni Rizal at maging buhay na bayani sa kanilang sariling paraan.