NALIBING ng buhay sa gumuhong lupa ang 18 katao sa barangay Sampaloc sa Talisay, Batangas nitong Huwebes ng gabi dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine .
Base sa inisyal na ulat ng mga awtoridad walo na ang natagpuang bangkay kabilang ang limang menor de edad.
Kasalukuyang nagsasagwa ng search and retrieval operation sa lugar.
Sa ngayon, lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Kristine.