Halos dalawang taon na mula nang dumating ang Corona virus sa bansa ,sa ngayon ay unti-unti pa lamang bumabangon ang lahat sa pagkakalugmok sa napalaking epekto sa ating pamumuhay at ekonomiya.
Marami pa rin ang walang trabaho dahil ang ilan ay tuluyan nang nagsara.ang ilan sa ating mga nakasanayang gawin sa araw-araw ay biglang nagbago at magpahanggang ngayon ay hindi pa muling maibalik sa normal ang mga dating gawain.
Isa na si Mang Zaldy Cabreza ng Pagsanjan, Laguna ang napahinto sa kanyang trabaho nang magkaroon ng pandemya.Nasa tatlong dekada na siyang namamasukan bilang designer ng mga pampasaherong jeep sa Nagcarlan.
Hirap siya sa pagpasok sa trabaho hanggang sa tuluyang hindi na nakapagtrabaho dahil sa umiral na lockdown sa kanilang lugar.Tigil pasada ang lahat ng pampasaherong jeep ang kanayang pinagkukunan ng ikabubuhay ay walang gasinong nagpapa -design sa mga jeepney.
Sa katulad ni Mang Zaldy na isang padre de pamilya ay kinakailangan patuloy na mag-isip kung paaano bubuhayin ang kanyang pamilya. Humanap siya ng alternatibong pagkakakitaan upang may ipangtustos sa gamot ng kanyang apo na may sakit sa puso.
Bagamat natigil sa pagtatrabaho ,naisipan niyang gamitin ang kanyang talento upang maibsan na rin ang pagkabagot at ibinuhos niya ito sa paggawa ng mga *miniature cars* na siya ginawang pansamantalang hanap-buhay.
Bumili siya ng mga materyales na gagamitin sa paggawa ng maliliit na sasakyan sa halagang 2,000 piso.
Ang mga goma na may sukat na 4×8 na kasing laki ng ply wood na may tatlong ibat-ibang klase ang kapal ay kanyang naging puhunan sa kanyang paggawa.Bumili rin siya ng mga pandikit tulad ng sticky glue,rugby at Ansel paint na gagamitin bilang design sa maliliit na jeepney.MAging acetate na gagamitin bilang salamin ng munting jeepney.
Nakakagawa siya ng isang miniature cars sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Nang matapos ay kanyang pinost sa facebook account ang kanyang mga gawang sasakyan.Marami ang napahanga at pumuri sa kanyang angking galing at talent ni MAng Zaldy.
NAgumpisa nang dumagsa ang ating mga kababayan ang nais na magpagawa.Mayroong narequest na magpapagawang ng van,kotse at 10- wheelertruck .Umabot na sa 14 piraso ang kanyang naibenta sa halagang 3,500 bawat isa.
Ang munting hanap-buhay ay naging napakalaking tulong para sa kanyang pamilya na lubos na umaasa as kanya .GAmit ang sining ay Nairaraos niya ang kanilang pang-araw-araw na panganagilangan .
Ngayong taong 2022,marami na ang nag-aabang sa kanyang mga munting obra.Mayroong mga nagpapagawa ng mga animo,y transformers na si optimus at bumblebee,voxwagen,mini dump truck at sportscar.
Dahil na rin sa gustong-gusto ni Mang Zaldy ang kanyang ginagawa,hindi alintana ang mga oras na kanyang gugulin upang mabuo ang isang mumunting sasakyan .Kalakip ang dugo at pawis ang kanyang naging kasama sa puhunan sa bawat obrang natatapos.
hindi na rin masyadong naging mahirap para sa kanyang ang paggawa dahil likas na sa kanyang dugo ang pagiging mahilig sa sining na sinamahan ng sipag at tiyaga.
Ang tulad ni MAng Zaldy ay hindi kailanman susuko sa mga hamon sa buhay .MAging mahirap man ang mga pinagdadaanan ay nagagagwang maging produktibo pa rin ang pamumuhay.Dahil ito ang realidad sa mundong ating ginagalawan habang tayo ay nabubuhay .
Para sa mga nagnanais na magpagawa ng kanyang miniature cars upang matulungan ang ating ang gawang pinoy ay maaaring tawagan si Mang Zaldy Cabreza sa kanyang telepono bilang 09218925113 o 099773282471 at kanyang facebook account.