HIGIT sa dalawang taon na ang nakalilipas nang magsiuwian ang mga overseas Filipino workers dahil sa COVID-19 pandemic, kaya naman lumobo na sa P1 bilyon ang utang ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga ginamit na quarantine facilities .
Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac, mula noong 2020, umabot na umano sa P20 bilyon ang nagastos ng pamahalaan sa hotel accommodation ng mga OFWs.
Ngayong taon, nasa P2.5 bilyon umano ang babayaran pa.
Umabot na sa 11.4 bilyon ang iniintay na pondo ng OWWA mula sa Department of Budget and Management (DBM) habang patuloy ang pakikipag-usap nila sa Philippine Hotel Owners Association (PHOA).
Aniya, “Tayo ay humihingi ng kaunting panahon dahil naghihintay pa tayo ng susunod na tranche ng DBM,”