
TIMBOG ang dalawang tinaguriang high-value drug personalities sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang operatiba ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1, PDEA Cavite Provincial Office at Cavite Maritime Police sa isang subdibisyon sa Barangay Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.
Naaresto ng mga otoridad ang mga suspek na nakilalang sina alias Gi, 26 na isang freelance graphic designer at alias Kirstein, 21 na estudyante na parehong residente ng Barangay Buhay na Tubig, Imus, Cavite nitong Marso 18, 2025 bandang 9:40 ng gabi.
Nakuha ng mga operatiba ang sampung (10) piraso ng knot-tied transparent plastic bags na naglalaman ng 1000 piraso ng blue tablets na pinaghihinalaang ecstasy na may halagang Php1,700,000.00; dalawang (2) piraso ng color black opened plastic bags na may laman na humigit kumulang na 1oz bawat isa ng pinaghihinalaang high grade marijuana o kush na may halagang Php84,000.00; siyam (9) na piraso ng disposable vape carts na naglalaman ng pinaghihinalaang marijuana na may timbang na humigit kumulang na 10ml bawat isa na may halagang Php22,500.00; isang (1) piraso ng color black opened plastic bag na naglalaman ng humigit kumulang na 1oz ng pinaghihinalaang high grade marijuana o kush na may halagang Php42,000.00; dalawang (2) pirasong opened aluminum plastic foil na may lamang humigit kumulang na 14 gramo at 7 gramo ng pinaghihinalaang high grade marijuana o kush na may halagang Php31,500.00;isang piraso ng digital weighing scale at buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 p ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002ang mga suspek na ngayon ay nakaditene sa PDEA Region 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Lagna.