
DALAWANG “high-value target” sang naaresto ng mga operatiba ng anti-narcotics ang isang entrapment operation nitong Huwebes sa Floridablanca, Pampanga.
Tinukoy ang mga suspek na sina alyas “JR,” 34, ng Lubao, Pampanga; at alyas “Ley,” 24, ng Floridablanca, Pampanga.
Nagsagawa ng buy-bust ang mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Floridablanca PNP sa dalawang suspek sa Bgy. Benedicto sa bayan ng Floridablanca.
Nasamsam ang hindi bababa sa 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P510,000, isang sling bag, at isang motorsiklo.
Dinala ang mga naarestong suspek sa Floridablanca jail facility at sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.