
DALAWANG lungsod sa National Capital Region (NCR) , ang Mandaluyong at Pateros ay walang naiulat na bagong kaso ng Covid-19 nitong araw ng Sabado .
Sa tweet ni OCTA Reasearch Group fellow Dr.Guido David, base sa mga local government units ang may pinaka mataas na bagong kaso ng corona virus ay ang Manila na may 30, Quezon City 23, Caloocan 20, Pasay City 18 at Taguig City na may 14 na kaso.
Base sa talaan ng Department of Health (DOH) , ang NCR ay nakapagtala ng may pinakamaraming kaso sa 15 rehiyon , na may 149 nitong Abril 2.
Sumunod ang Iloilo na may 30 kaso; Cebu, 16; Rizal, 15; Bulacan, 14; Pampanga, 13; Bataan, 12; Laguna, 7; Pangasinan, 7; South Cotabato, 7; Zamboanga del Sur, 7; Cagayan, 5; Davao del Sur, 5; at Benguet, 4.