
NASAWI ang dalawanag Russian na iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Huwebes a habang nag-scuba diving sa Verde Island sa Batangas.
Isa sa mga biktima ay nalunod habang ang isa ay namatay din at naputol ang mga braso dahil sa umano’y pag-atake ng pating.
Ayon sa PCG-Batangas, ang dalawa ay bahagi ng grupo ng apat na turista na nag-scuba diving sa Verde Island nang tangayin sila ng malakas na agos ng tubig.
Dalawa sa apat ang nakaligtas habang ang dalawang iba pa ay nawala.
Agad na nagsagawa ng search operation ang isang Filipino dive instructor at iba pang diver sa lugar, kasama ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard.
Isa sa mga nawawalang Russian ay natagpuang walang malay sa dagat makalipas ang isang oras. Isinugod siya sa isang ospital sa Batangas ngunit idineklara itong dead on arrival.
Natagpuan din ang isa pang Russian diver ngunit patay na. Naputol ang kanyang mga braso.
Iniimbestigahan ng PCG ang insidente dahil hinikayat nito ang mga divers at dive operator na ugaliin ang mataas na pagbabantay at sumunod sa mahigpit na mga protocol sa kaligtasan, partikular sa mga lugar na may malakas na agos at aktibong marine life.