TINATAYANG 200 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang sumiklab ang sunog dakong alas 5:00 na nagsimula sa ikatlong palapag ng isang tahanan sa Barangay 650 sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa rumespondeng Bureau of Fire Protection (BFP) nagmula ang sunog sa tahanan ng isang Jose Agapao , di umano ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog na mabilis kumalat sa mga kabahayang yari sa ‘light materials.’
Kabilang sa mga nasunog ang mga negosyo sa naturang Distrito dahil na rin sa pahirapang pagpasok sa lugar dahil sa mga nakabalagbag na truck sa tabi ng kalsada.
Wala naman naiulat na namatay o nasaktan sa insidente, ayon sa BFP ngunit patuloy ang kanilang pagsisiyasat sa pangyayari.