TUWING buwan ng Marso ipinagdiriwang ang “National Women’s Month” , bilang pakikiisa ng Batangas Police Provincial Office BPPO sa pamumuno ni PCol Glicerio Cansilao , idinaos ang simpleng Kick-Off Ceremony alinsabay sa isinagawang Traditional Monday Flag Raising and Awarding Ceremony ngayong araw ng Lunes, Marso 7, 2022 sa Camp Gen Miguel C Malvar Batangas City.
Kasabay nito ang paggawad ng parangal sa mga natatanging policewomen na nagpakita ng pagiging huwaran, kahusayan, katapatan, at dedikasyon bilang miyembro ng ng Batangas PPO.
Kasama sa mga binigyang pagkilala sina Police Lieutenant Michelle P Bastawang, Police Senior Master Sergeant Catherin T Llanes, Police Master Sergeant Mayeth M Maniquis, Police Staff Sergeant Mildred M Edra, Police Corporal Alyssa Ashley D De Torres, Police Corporal Maricel M Malabuyoc, at Patrolwoman Leny F Bandol.
Naging panauhing pandangal si Ms. Maria Kristine Josefina G. Balmes, ang tumatayong Deputy Executive Director for Operations ng Philippine Commission on Women (PCW).
Sa kanyang mensahe, ikinagagalak niya na ang kapulisan ng Batangas PPO ay kaisa ng PCW at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsusulong ng Women Empowerment na may temang “We Make Change Work for Women: Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran”.
Ikinagagalak din aniya na malaman na may babaeng pulis sa hanay ng mga hepe ng pulisya sa probinsya ng Batangas at lubos ang kanyang pasasalamat sa PNP partikular sa Women and Children Protection Unit sa aktibong pagsuporta sa “18-Day Campaign to End Violence Against Women” kung saan layunin na protektahan ang mga karapatang pantao ng kababaihan at mga batang babae mula sa lahat ng uri ng karahasan sa pamamagitan ng mga batas at alituntunin na nakasaad sa ating Saligang Batas.
Sa mensahe ni PCol.Cansilao ,“Sa ilalim ng pangangasiwa ng aming butihing Regional Director PRO CALABARZON PBGen AntonioYarra, kami po sa Batangas PPO ay patuloy sa pagsasagawa ng mga positibong aksyon upang maisulong ang pagkakapantay-pantay sa halos lahat ng aspeto ng buhay para sa mga kababaihan at bumuo ng isang mas makatarungan at matatag na komunidad.”