
DUMALO si Camille Villar sa isang misa sa San Jose Placier Parish Church sa Iloilo sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño.
Matapos ang misa, nagpunta rin siya sa Freedom Grandstand para makisaya sa mga manonood ng street dancing competition na kabilang sa Dinagyang Festival.
Bilang isang Kasimanwa o tubong Iloilo, dumadalo si Camille Villar sa Dinagyang Festival, isa sa mga pinakamalaking festivals sa bansa na dinadayo ng milyon-milyong deboto ng Sto. Niño at mga turista.
Matatandaan ang ama nito na si former Senate President Manny Villar ay tubong Iloilo din.