
Dead on the spot ang tatlong airforce personnel habang kritikal sa pagamutan ang isang kasama makaraang salpukin ng kanilang kotse ang concrete barriers sa EDSA –Santolan ,Quezon City kaninang madaling araw.
Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas 2:00 ng madaling araw nang mahagip ng Honda Civic na sinakyan ng apat na PAF personnel ang concrete barrier ilang metro ang layo sa P. Tuazon Tunnel sa Cubao.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng Philippine Air Force na pawang tauhan nila ang nasangkot sa nasabing insidente.
“The accident involved four (4) PAF personnel wherein three (3) were confirmed dead. The only survivor was brought to a hospital for immediate medical treatment.”
Patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing aksidente