
PATAY ang isang hinihinalang miyembro ng sindikatong nangingidnap umano ng mga Pogo workers sa isang engkwentro sa mga pulis sa Paranaque City kahapon ng hapon.hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang pinaniniwalaang miyembro ng isang sindikato sa likod ng serye ng pagdukot ng mga Tsinong POGO workers, makaraang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa Parañaque City, nito lamang Linggo ng hapon.
Sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group kasama ang Pasay at Parañaque PNP, nasagip din ang dalawang Tsinong inabutan pang nasa loob pa ng kulungan ng mga aso.
Ayon kay Southern Police District director Jimili Macaraeg, matagal na nilang binabantayan ang kilos ng nasabing sindikato bunsod ng mga reklamong natanggap mula sa mga dayuhang Tsino – hanggang sa nangyari na nga ang engkwentro pasado alas-5:00 ng hapon, araw ng Linggo sa lungsod ng Parañaque.
Ani Macaraeg, mga POGO workers ang karaniwang target ng naturang grupong hangad ay ipatubos ang biktimangTsino. Narekober sa lugar ng engkwentro ang iba’t ibang kalibre ng baril, mga uniporme ng pulis, NBI at sundalo, at iba-ibang plaka ng mga sasakyang ginagamit sa operasyon ng naturang sindikato.