Photo courtesy from Batangas PNP
Apat ang patay kabilang ang isang pulis habang dalawang sibilyan ang sugatan sa engkwentro sa cockpit arena sa Bgy Quilitisan, Calatagan,Batangas nitong Sabado ng gabi.
Nakilala ang mga nasawing sina Patrolman Gregorio S. Panganiban Jr, Assistant Finance Police Non-Commissioned officer at miyembro ng Traffic/Patrol Team ng Calatagan MPS at tatlong suspek na sina Joel Robles Herjas, Rolly Herjas, at Gabriel Robles Bahia, na pawang mga residente ng Brgy. Biga Calatagan Batangas.
Sugatan sa kanang balikat ang sibilyang si Joselito Carlum habang tinamaan sa ulo ng bala si Mayumi Dunaway at nasa Mabuti nang kundisyon.
Nangyari ang engkwentro nang bineripika ng mga awtoridad ang impormasyon mula sa isang concerned cirizen na target umano si Michael Comaya na Municipal Councilor ng Lian Batangas at administrator ng nasabing cockpit arena.
Nang palapit sa lugar ang mga pulis ay agad na nagpaulan ng bala ang mga suspek na agad namang ginantihan ng mga awtoridad na humantong sa kamatayan ng tatlo.
Dead on arrival naman sa Metro Balayan Medical Center si Patrolman Panganiban dahil sa tama ng baril sa dibdib.
Agad na nagpaabot ng pakikiramay ni PRO4 Regional Director PBGen. Antonio C Yarrasa pamilya ng naulila ni Panganiban ,aniya “Our responding police officers are worthy of commendation especially the brave act of Patrolman Panganiban. I would like to assure the family of our demised officer that appropriate recognition and benefits shall be accorded to them. My deepest and sincerest condolences,”.
Naulila ni Patrolman Gregorio S. Panganiban Jr., ang kanyang asawa at 6 na taong gulang na anak na lalaki.