
San Carlos City – NAARESTO ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang 40 indibidwal sa paglabag sa election gun ban mula Jan. 12 hanggang April 3, 2025.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director Col. Rollyfer Capoquian, sila ay nakakumpiska ng 33 small firearms, one replica, two air guns, and 138 ammunitions.
“We would like to remind the public that election gun ban covers not only real guns but also replicas and air guns among others,” aniya.
“Most of these arrests happened during around 20 police response and patrol operations, 12 anti-illegal drugs operations, three checkpoints, and a gun buy-bust operation in various towns of Pangasinan”.
Inulit naman ni Capoquian ang panawagan sa mga residente ng probinsya na lagging sumunod sa batas at makipagtulungan sa mga kapulisan para sa kanilang seguridad at kaligtasan.