
SUMADSAD nang bahagya sa runway ang isang eruplanong galing Naga City na may lulan ng 42 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal III,Pasay City.
Ayon sa pamunuan ng paliparan walang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing insidente,
Inamin ng Cebu Pacific na sumadsad ang kanila CebGo flight DG 6112 Naga-Manila bandang tanghali kahapon –“All 42 passengers and four crew deplaned normally and are safe with no reported injuries,” saad ng pahayag ng Cebu Pacific.
Samantala, napilitan naman i-divert ang paglapag ng mga domestic flights ng Philippine Airlines sa Clark International Airport sa Pampanga.
Pansamantala rin hindi muna pinahintulutang lumipad patungo sa Pilipinas ang mga eroplano ng PAL mula sa London, Dammam, Dubai at Doha. Paglilinaw ng PAL, magkakaroon lang ng “kaunting delay” sa paglapag ng kanilang mga arriving international flights.
“We are seeking the patience and understanding of our passengers. We look forward to resuming flights once runway obstruction is cleared,” pahayag ng PAL.