
SANTA CRUZ, LAGUNA —PINAAALIS ang 50 poste ng kuryente sa kalsada at ililipat ng lugar ang mga ito na nagiging sanhi ng mabagal na daloy ng trapiko sa bayan ng Los Baños .
Inatasan ni Laguna Governor Sol Aragones ang pamunuan ng MERALCO, Department of Public Works and Highways, at lokal na pamahalaan ng Los Banos makaraan nitong mag-ikot sa lugar kung saan nakita ang mga nakahilerang poste sa isang linya ng kalsada.

Aniya, “Hindi dapat naaabala ang mga motorista dahil lamang sa mga poste. Dapat mas maging maayos ang koordinasyon ng DPWH at LGU sa lalawigan bago magsagawa ng road-widening projects upang hindi na maulit ang ganitong sitwasyon,” .
Pahayag pa ni Aragones, ang kalayaan ng daloy ng trapiko ay hindi lamang usapin ng kaginhawahan kundi isang mahalagang bahagi ng epektibong serbisyo publiko at pagpapaunlad ng ekonomiya sa lalawigan.
Agad namang inaksyunan ni Los Baños Mayor Neil Nocon , Meralco at DPWH ang pag-sasaayos ng mga posteng nakaharang sa mga makitid na lansangan na nagdudulot ng matinding trapiko sa ilang bahagi ng lalawigan .