
NALANSAG ng pinagsamang pwersa ng PDEA Cavite Provincial Office at ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit ang isang drug den na nagresulta ng pagkakadakip sa anim na drug suspect kabilang ang apat na babae sa isinagawang buy-bust operation kahapon , Marso 8, 2025 bandang alas 7:30 ng gabi sa Barangay Panapaan 1, Bacoor City, Cavite.
Natukoy ang mga naarestong suspek na sina alyas Negro, 46- anyos na construction worker; alyas Richard, 51 construction worker; alyas Kenneth, 40, alyas Jesusa, 41,vendor; alyas Lorena, 36, Therapist Barangay Panapaan 1 at alyas Maritess, 40, ng Habay I, na pawang residente ng Bacoor, Cavite
Nakumpiska sa mga suspek ang isang piraso ng heatsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humigit kumulang 0.3 grams na may halagang Php2,040.00, Isang piraso ng masking tape-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nagtitmbang ng humigit kumulang na may halagang Php2,040.00 , Siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang na 8 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagangPhp54 400.00, ibat ibang klase ng drug paraphernalia at buy-bust money.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ng Dangerous Drugs Act of 2002