
CAMP BGEN OSCAR M FLORENDO, San Fernando City, La Union – Inaresto ng Philippine National Police – Regional Office 1 ang anim na indibidwal sa iba’t ibang check point sa Pangasinan dahil sa paglabag sa gun ban na ipinag-uutos ng Commission on Elections (COMELEC) noong Enero 12, 2025. ang unang araw ng panahon ng halalan.
Kabilang sa mga nakumpiskang baril ay limang maliit na side arm at isang replica ng baril.
Binigyang-diin ni PRO 1 Regional Director PBGen Lou Evangelista , ang kahalagahan ng pagsasagawa ng checkpoint operations bilang bahagi ng pinaigting na hakbang sa seguridad bilang paghahanda sa darating na halalan.
“Palagi nating ipaalala sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pagsunod sa batas sa panahon ng eleksyon. Nararapat nating sundin ang mga dapat at hindi dapat gawin ngayong panahon ng halalan, kabilang na ang pagbabawal sa pagdadala ng mga baril nang walang awtorisasyon at iba pang mga paglabag sa halalan,” he stated.
“Mahigpit din nating ipina-paalala ang kahalagahan ng pakikipag-cooperate sa ating mga pulis na nakatalaga sa mga comelec checkpoint. Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang basta alituntunin—ito ay mahalagang bahagi ng ating sama-samang layunin na masiguro ang isang mapayapa, ligtas, at maayos na eleksyon. Sa tulong ng pagkakaisa at pakikipagtulungan, maitataguyod natin nang mahusay ng ating halalan,” he emphasized.
Ang mga naarestong indibidwal ay dinala sa kustodiya ng pulisya at mahaharap sa kaukulang kaso.
Tiniyak ng PNPRO1 sa publiko na ipagpapatuloy nila ang kanilang komprehensibong operasyon sa buong panahon ng halalan.
Hinihikayat din ang publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa mga baril o iba pang posibleng paglabag.