TIMBOG ang pitong drug personalities at nabulilyaso ang isang drug den makaraang ikasa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA at Batangas Provicial sa lalawigan ng Batangas . Arestado ang may-ari ng drug den na si Joselito Rustia,40, kasama sina Daniel Rustia, 21, Rolando Rustia, 48, Eris Rustia, 25, Joey Mangaring, 37, Glenn Ediza, 34, Randy Beltran, 30.
Kumpiskado sa operasyon ang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P69,000 at mga paraphernalia at buy- bust money.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Article II of Republic Act 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.