NAKAUWI na ang 76 Overseas Filipino Workers (OFWs) kabilang ang dalawang dependents mula sa Lebanon nitong Linggo ng gabi (Oktubre 20, 2024) .
Lulan ng Emirates EK 334 ang mga OFWs na boluntaryong umuwi ng bansa ang sinalubong ng Department of Migrant Workers sa NAIA Terminal 3 sa Pasay, City.
Umabot na sa kabuuang 636 OFWs at 32 dependents ang na-repatriate sa ng gobyerno mula nang tumindi ang tensyon sa pagitan ng Lebanon at Hezbollah.
Pinangunahan ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pagtanggap sa mga repatriates, kasama sina DMW Undersecretaries Patricia Yvonne Caunan at Bernard Olalia, DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi, at OWWA Deputy Administrator Honey Quiño ang OFWs kung saan makakatanggap ng livelihood at financial assistance na programa ng gobyerno .