
Kampo Heneral Paciano Rizal – HULI ang 77 personalidad sa pinaigting na one -day Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP kahapon, Setyembre 22, 2023 .
Ayon kay Police Colonel Harold Depositar, Officer-in-Charge, Laguna PPO, ang isinagawang 54 na operasyon laban sa illegal number games o mas kilala sa tawag na bookie na nagresulta sa pagkaaresto ng 64 na suspek.
Apat na operasyon naman ang naitala laban sa other forms of illegal gambling na nagresulta din sa pagkakaaresto ng 13 na personalidad kung saan nasamsam ang halagang PhP33,009.00 bet-money.sa mga naarestong suspek .
Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 “An Act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games, Amending Certain Provisions of PD 1602”.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar , “Sa direktiba ng Regional Director ng PRO Calabarzon , PBGen Carlito Gaces at ng Chief PNP PGen Benjamin Acorda Jr, ang buong kapulisan ng Laguna ay tumatalima, kaya naman mas pinaigting pa ng Laguna PNP ang pagsawata sa mga iligal na pagsusugal dito sa buong Lalawigan. Layunin nito na tuluyang ilayo at pigilan na malulong ang ating mga mamamayan ng Laguna sa ganitong uri ng pagsusugal, upang ang kanilang pera ay magamit para sa pangagailanagan ng kanilang mga pamilya at hindi gamitin para sa sugal lamang. ”