
TATLONG araw na sunod-sunod na ang aasahan na siyang magpapaulan sa mabagal na pagkilos ng bagyong Falcon at hanging habagat ayon sa a Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).
Ayon sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, ito ay namataan a 1,1170 kilometro sa silangang bahagi ng Luzon habang kumikilos patungong norte na mas lumakas pa si Severe Tropical Storm Falcon
Si Falcon ay may taglay na lakas ng hangin na 110 kph at pagbugso na hanggang 135 kph.
Bagaman malakas ang buhos ng ulan dala ng bagyo, wala pa rin idineklarang tropical cyclone wind signals sa alinmang bahagi ng bansa.
Patuloy pa rin namang pinalalakas ni Falcon ang habagat na inaasahang magdudulot ng manaka-nakang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Kabilang sa mga apektadong lugar ng habagat ang Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Palawan, Romblon, Northern Samar, malaking bahagi ng Calabarzon, Bicol region at Western Visayas.