
NASABAT ang tinatayang 188,000 halagang ng illegal na droga sa buy-bust operation noong Linggo sa Santa Cruz lalawigan ng Laguna.
Tinukoy ni Police Col.harold Depositar ,Provincial director ng Laguna ang suspek na si alyas Edward na residente ng naturang lugar.
Kabilang si alyas Edward sa drug watchlist ng mga otoridad kung saan nahulihan ng 18 plastic sachet na hinihinalang shabu at tinatayang may street value na 188,000 piso.

Nasa kustodiya na ng Santa Cruz police ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 .
Ayon sa pahayag ni PCol.Depositar, “Pinaparangalan ko ang kapulisan ng Santa Cruz MPS sa operasyon na ito .This shall serve as stem warning to those who are planning to find easy money in illegal drug business”.