SINAMPAHAN na criminal complaint ng Quezon City police District (QCPD) ang dating pulis na nakuhaan ng video at nagviral sa social media nitong linggo makaraang manutok ng baril isang siklista sa kalsada.
Sinabi ni QCPD director Police Brigadier General Nicolas Torre III ngayong araw ng Martes ay sinampahan na ng alarm and scandal complaint si Wilfredo Gonzales .
“ Wala namang opisina kahapon kahapon kaya kanina lang 9:50 am nai-file naming ang kasong alarm and scandal .
Apat na Galas police ang tumayong complainant upang sampahan ng kaso ang dating kabarong si Gonzales.
Matatandaan, nitong weekend ay nag-viral ang video ni Gonzales dahil sa nasagi ang isang siklista ang kanyang sinasakyang pulan sedan .Lubos itong ikinagalit ng dating pulis kaya naman agad itong bumaba ng sasakyan bitbit ang kanyang baril at akmang puputukan ang siklista.