INILUNSAD ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) ang Electric Los Baños Jeepney (eLBeep) na tutulong sa transportasyon ng mga mag-aaral at may malaking benepisyo rin sa kalikasan. Ang eLBeep ay inaasahang makababawas sa iba’t ibang uri ng polusyon tulad ng gas emission, air, at noise pollution na malaki ang epekto sa kalikasan.
Ito ang kauna-unahang campus na magkakaroon ng electronic jeep bilang mode of transportation upang makamit at mapanatiling Green Campus ang buong pamantasan.
Bukod sa eLBeep, target din ng pamunuan ng unibersidad na maging una sa pagkakaroon ng ebikes at electronic scooter sa lugar.
Bilang bahagi ng programa, nagpasalamat ang lokal na pamahalaan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Antonio Kalaw para sa panibagong proyekto na magbibigay ng tulong at benepisyo sa mga mamamayan ng Los Baños.
Photo courtesy: Municipality of Los Baños