NAGSAMPA ang broadcast journalist na si Atom Araullo at mga magulang nito ng civil complaint na may halagang 2 milyong pisodanyos kaugnay sa pagrered-tagging sa kanya nina dating Anti-Insurgency Task Force spokesperson Lorraine Badoy at host Jeffrey Celiz sa kanilang TV show.
Nagtungo si Araullo at magulang nito sa Quezon City prosecutor’s office kasama ang kanilang abogadong si Atty.Tony la Viña ngayong araw ng Lunes .
“Ngayong araw nagsampa ako ng kasong civil laban kay former usec.Lorraine Badoy at kay Jeffrey celis dahil sa kanilang mga pahayag at paninirang puri laban sa akin at sa aking pamilya, sa pamamagitan ng kanilang programming sa SMNI at sa social media” ani ni Araullo.
Nagsampa rin ng katulad na reklamo ang ina ni Araullo, ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Emeritus Chairperson Carol Pagaduan Araullo noong nakaraang buwan.
Inakusahan nina Badoy at Celiz ang mag-ina na umano’y nakasira sa kanilang pangalan at organisasyon.
Si Badoy ay nagsilbing assistant secretary ng Department of Social Welfare and Development at naging spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) noong panahon ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.