RESBAKUNA SA BOTIKA. Inaasahang mapalalawak pa ng Department of Health Calabarzon ang bakunahan sa buong rehiyon matapos umpisahan sa pagsasagawa ng bakunahan sa mga piling botika.
Umarangkada na ngayong araw ng Pebrero 3 ang Resbakuna sa Botika katuwang ang ilang pribadong sektor tulad ng Mercury Drug Q Plaza Branch sa Cainta, Rizal.
Dinaluhan ito nina DOH Assistant Secretary Maria Francia M. Laxamana, Undersecretary Roger P. Tong-An, Regional Director Ariel Valenca, Cainta Health Officer Edgardo Gonzaga at Mr. Martin C. Gumayan, ng Mercury Drug Corporation ang pagtuturok ng booster shots para sa mga residenteng nais magpabakuna.
Bibigyang prayoridad ang mga fully vaccinated individuals lamang na pre-registered sa kanilang mga LGU.