NAHAHARAP ang isang dating pulis sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to B.P. 881 ng Omnibus Election Code matapos mahulihan ng illegal na armas at pagkasangkot sa droga.
Ang suspek ay nakilalang si Alexis Chan , dating patrolman na miyembro ng PNP Special Action Force sa Malabon City.
Dinampot ng Criminal Investigation and Detection Group ng Northern Police District barangay Acacia si Chan sa bisa ng search warrant.
Base sa ulat na nakalap ng mga otoridad, matapos ma-dismiss sa serbisyo, nasangkot si Chan sa pagbebenta ng mga illegal na baril at droga.
Kumpiskado ang isang kalibre .38 at isang .22 long firearm na baril.
Nag-AWOL umano sa serbisyo si Chan noong Enero 2022 hanggang sa tuluyan nang ma-dismiss noong Nobyembre 2022.