
KASONG criminal ang isinampa ng National Bureau of Investigation in the CARAGA region laban sa mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services kaugnay sa di umano’y pang momolestya sa mga menor de edad noong Hunyo.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla higit sa 10 katao ang inirekomenda ng prosekusyon.
Sinabi naman ng NBI-Caraga na noong June 1 pa naisampa ang mga reklamo sa 13 indibidwal sa Office of the Provincial Prosecutor sa Surigao del Norte.
Kinakaharap ng mga ito ang mga kasong paglabag sa Section 4, in relation to Section 6, o mas kilalang Anti-Trafficking law, Kidnapping and serious illegal detention , paglabag sa RA 11596, o mas kilala bilang act prohibiting the practice of child marriage at RA 7610, o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.