UMAPELA si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Office of the President (OP) na ikunsidera ang mga “no work, no pay” na manggagawa ng noontime show “Its Showtime” habang dinidinig pa ang apela nito nang ibasura ng Movie, Television Review and Classification (MTRCB) ang kanilang Motion for Reconsideration nitong Huwebes.
Sa kanyang paliwanag , “Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari,” Revilla said. “Sila yung mga ‘no work-no pay’ na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin,” .
Naniniwala si Revilla na magsusumite rin ng apela ABS-CBN at GMA sa tanggapan ng Presidente sa loob ng 15-day period na pinapayagan naman at buo umano ang kaniyang kumpiyansa na kapag na-review ang pangyayari ay iiral na ang humanitarian considerations.
“I think lessons have been learned,” the lawmaker expressed. “Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don’t punish those working hard day in-day out just to eke out a living,” dagdag pa ni Revilla.