NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Omnibus election Code at illegal possession of fire arms and ammunition RA 10591 ang isang incumbent barangay chairman sa San Felix, Sto. Tomas, Batangas matapos masamsam ang iba’t ibang uri ng baril sa kanyang tirahan sa naturang bayan.
Inaresto ng pulisya ang Barangay Captain na si Gerry Punzalan, 49, dahil sa pagtatago ng mga hindi lisensyadong baril.
Sa isinagawang search warrant ng pinagsamang puwersa ng Provincial Intelligence Unit-Batangas Police Provincial Office at Sto Tomas City Police Station bandang alas 5:30 ng umaga, kumpiskado sa kanyang tahanan ang isang kalibre .45 na Colt pistol na may serial no. 1646144, mga magazine, bala isang yunit ng springfield caliber 30 pistol na may serial no. 828314 at isang unmarked shotgun.
Sa pahayag ni Batangas Provincial Police Director Col.Glicerio Cansilao
“Tayo na nanunugkulan bilang mga public servants ay dapat maging huwaran. Tayo, lalo na ang mga nahalal na mga opisyal mula sa barangay hanggang sa mataas na posisyon ay pinagkatiwalaan ng ating mga kababayan kung kaya dapat lamang nating gawin ang tama at ang naaayon sa batas.” Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sto Tomas CPS ang nahuling kapitan.