
NAGBUGA ang Bulkang Taal ng 6,051 toneladang sulfur dioxide nitong mga nakalipas ma araw, ayong sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS.
Sa inilabas na pinakahuling bulletin ng Phivolcs, nagkaroondin ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa ng bunganga ng bulkan.May pagsingaw rin ng plume na aabot sa 900 metro ang taas.
Wala namang naitalang pagyanig sa Bulkang Taal.
Kaya naman sa ngayon ay nananatiling nasa alert level 1 pa rin ang Bulkang Taal.