Ni:Sofia Trinidad
PABABA na ang aktibong kaso ng corona virus 2019 COVID-19 sa bansa sa 84,229 ,ayon sa Department of Health ..
Sa talaang inilabas nitong araw ng Sabado,nasa 10,662 na ang mga nakarekober habang 3,792 na lamang ang bagong kaso ng mga nagkakasakit.
Nasa 3,016 ang aktibong kaso na asymptomatic,76,487 ang mild at 1,443 ang severe habang 312 ang kritikal ang kondisyon.
Halos 3.63 milyon na ang mga tinamaan ng sakit mula noong mag-umpisa ang pandemic ,kung saan 96.2 porsyento o 3,495,209 ang mga nakarekober .
Pumalo naman sa 76 ang mga nasawi at may kabuuang 54,930 .