
MAS pinasimple ng Civil Service Commission (CSC) ang proseso sa aplikasyon ng 60-day paid adoption leave.
Nararapat aniya ang sapat na panahon upang tiyakin ang kapakanan ng mga apong edad 7-anyos pababa.
Sa unang araw ng pagpapatupad ng CSC Resolution No. 2101012, pahihitulutan na ang photo copy ng Pre-Adoption Placement Authority (PAPA) na inisyu ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga empleyado ng gobyerno na nag-ampon ng mga abandonadong bata.
“Per the resolution, the submission of the photocopy of the original PAPA in support of the application for adoption leave is now allowed, provided that the applicant will later be able to submit an authenticated copy issued by DSWD,” ayon sa CSC.
Sa ilalim ng dating polisiya ng nasabing komisyon, orihinal na sipi ng PAPA ang isa sa mga requirements para payagan ang mga adoptive parents na magkaroon ng adoption leave ng hanggang 60 araw para maalagaan ang isang adopted child.
Ang adoption leave ay isa sa mga benepisyo ng mga government employees na piniling kumupkop ng mga batang nasa pangangalaga ng DSWD lalo na sa panahon ng kalamidad, sakuna at emergency – bagay na di halos mapakinabangan ng mga kawani ng pamahalaan bunsod ng labis-labis na paghihigpit sa proseso.