Hindi matatawaran ang lubos na paghanga ng mga kabataang pinoy ngayon sa mga banyaga na tulad ng mga Koreano at hapones.Malaki ang impact o impluwensya sa atin ng kabataang henerasyon ngayon.Magmula sa pananamit ,hairstyle,anyo at pagkain ay ginagaya na rin ng mga kabataang pinoy.
Kaya naman dito sa ating bansa ay naglipana na rin ang sari-saring negosyo na talagang tinatangkilik ng ating mga kababayan.
Isa na rito ang pagkain ng mga hapones na Takoyaki.Naging popular ito sa bansang Japan bilang street food.Masarap na pagkain na binilot sa pinaghalong harina,itlog na may sangkap na gulay at octopus.
Naisipan ng mag-asawang sina Jocris at Janelyn Espina ang magtayo ng isang munting negosyo.Si Jocris noon ay isang welder sa Japanese company sa Calamba habang si Janelyn ay nagtatrabaho sa Japan bilang cook sa restaurant roon.hindi naging biro ang kanilang simula.Huminto na muna sa trabaho si Jocris upang pamahalaan ang gagawing negosyo.HAbang si JAnelyn naman ay umuwi na rin ng Pinas upang tulungan ang mister.
Isang araw sa dinaraanan ni Jocris ay nakapulot siya ng salapi na halagang 8,000 piso . Nais man niyang ibalik ito sa may-ari ngunit hindi na niya ito alam kung kanino o saan isasauli.Nagpasiya siyang gamitin ito sa negosyo upang makatulong sa kanilang pamilya.Upang magbakasakali sa bagong negosyo ginamit nila ang napulot na salapi dahil na rin sa paniniwalang may magdadala ito ng swerte sa kanila.Inumpisahan na nilang mag-asawa ang Takoyaki business. Nag design sila ng cart na magsisislbing brand name o pagkakakilanlan ng kanilang produkto.Sumasali sila sa mga bazaar sa mga eskwelahan at tiangge sa lungsod ng Calamba.
Noong una ay hinaluan nila ng ibang putahe tulad ng Ramen,gyoza at kani salad.Naranasan nil ana mahirap itong ma-maintain ng sabay-sabay kaya naman nag -focus na lamang sila sa isang produkto –ang Takoyaki.
Dahil na rin sa in demand ngayon ito ay talaga namang pumatok sa mga kabataan at higit sa lahat ay ang masa.
Sa presyong pang masa ay matitikman ang gawang pinoy na may authentic taste ng Japanese cuisine .Ang veggie ,cheese,squid at octopus Takoyaki ang mga maaaring pagpilian .Halos triple na ang inakyat na pera ng kanilang negosyo na umabot sa 35,000 piso.
Hindi naglaon ay gumawa ng ingay ang kanilang produkto Tinutulungan na rin nila na makapagsimula ng bagong negosyo ang ilan nating mga kababayan lalo na nitong panahon ng pandemya. Hanggang sa marami na ang bumili sa kanilang cart sa halagang 75,000 pesos na may kasama ng produkto na kayang makabenta ng produkto sa halagang 15,000 pesos.Ito ang kanilang isinukli sa napulot na perang kanilang ginawang puhunan.Dahil sa naniniwala sila na ito ay maaring maituring na isang biyaya ng langit.Pinayabong nila ito at ibinalik naman sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong upang makapag-umpisa ng bagong negosyo ang ilan nating mga kababayan.
Ang paniniwala na Basta may pananalig sa diyos ay may kasamang gawa mula s atin.Ika nga nasa dios ang awa ,nasa tao ang gawa.
NApakasarap ang tumulong na walnang iniitay na kapalit.NAkapagnegosyo ka na nakatulong pa sa kapwa na pagandahi rin ang kanilang pamumuhay.Basta lakipan rin ng sipag at tyaga ay makakamtan rin ang inaasam.