Sa darating na February 27, gaganapin ang 5th Film Ambassadors Night ng Film Development Council of the Philippines o FDCP sa bagong anyong Metropolitan Theater Manila para magbibigay pugay sa mga direktor at artista ng Pelikulang Pilipino na nagbigay karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng pagkapanalo sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa.
Pero nakapagtataka na sa pangalawang pagkakataon, hindi kasama ang pangalan ng premyadong direktor na si Romm Burlat.
Marami ng naiuwing karangalan sa bansa si Burlat kaya pinangarangalan na siya sa Dangal ng Lahi bilang Outstanding International Film Director at sa Philippine Faces of Success.
Galit ba si Chair Liza Diño-Seguerra kay Direk Romm Burlat? Anong basehan ni Diño para sa kanyang FAN Awards? Binabago ba ng FDCP ang criteria para hindi makakapasok si Burlat? May “favoritism” ba ang Film Development Council of the Philippines.
Sa taong 2020, naging honoree ang direktor sa pagkapanalo nya ng Best Director sa India. Sa nakaraang taon, mas marami syang napanalunan pero hindi na sya pinangarangalan ng FCDP. Sa taong ito,ganoon din ang nangyari. Buhket?