HINDI alintana ang pagkakaroon ng sakit na Covid-19 sa mga lumalahok sa kampanya, ayon sa Commission on Elections (Comelec) hindi na kailangang gumamit pa ng faceshields sa mga lugar na nasa Alert Level 1,2 at 3 .
Sa inilabas na New Normal Manual ng Comelec kamakailan, maging sa loob ng mga polling precincts, di na rin anila kakailanganin magsuot ng face shields ang mga botante bagamat mahigpit ang tagubilin sa pagsunod sa umiiral na minimum public health safety protocols.
Paliwanag ng Comelec, ang mga patakaran sa inilabas na New Normal Manual ay pawang ibinatay sa pinakahuling resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Gayunpaman, mas magiging mahigpit anila ang komisyon sa pagpapatupad ng mga protocols, kabilang ang temperature check sa mga nais bumoto.
Anila, hindi pahihintulutang pumasok sa mga regular polling precincts ang sinumang may temperaturang 37.5 degrees Celsius, at sa halip ay dadalhin sa nakahimpil na medical team para sa angkop na pagsusuri.
Pagtitiyak naman ng ahensya, makakaboto pa rin naman ang mga makikitaan ng sintomas sa itinalagang Isolated Polling Places