
ISANG 35-anyos na lalaki ang pinagbabaril ng riding -in-tandem nitong araw ng Martes matapos dumalo ng hearing sa korte dahil sa awayan sa lupa sa Palayan City.
Tinukoy ng pulisya ang biktimang si Roderico De Leon, ng Brgy. Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija.
Nangyari ang pamamaril ng mga di pa nakikilalang suspek sa Bypass Road in Sitio Asias, Bgy. Soledad bandang alas 11 ng umaga
Dalawang katao na sakay ng motorsiklo ang bumuntot sa kanyang likuran nang pauwi na ito ng kanyang bahay.
Tinadtad ng bala ng baril ang biktima na agad nitong ikinamatay saka tumakbo papalayo ang mga suspek sa direksyon sa bayan ng San Leonardo.
Nagsasagawa na ng followup investoigation sa p[ossibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.