
BINUWELTAHAN ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop si Sen. Ronald “Bato” Rosa na tinawag nitong oportunista at tuta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ginawa ni Acop ang pahayag bilang tugon sa sinabi ni Dela Rosa na ang mga miyembro ng Kamara ay walang prinsipyo at mga oportunista kaugnay ng kanilang pagtuligsa sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sinabi ni Acop na si Dela Rosa ang oportunista dahil ginamit nito ang kanyang pagiging malapit kay Duterte upang maging hepe ng Philippine National Police (PNP) at kalaunan ay para maging senador.
“If anyone is the real opportunist, it’s Sen. Dela Rosa, who shamelessly used his ties with the former president to rise from PNP chief to senator, leading a bloody drug war that targeted the powerless while shielding the powerful,” ani Acop.
Dagdag pa ni Acop, “Dela Rosa has always been Duterte’s loyal lapdog, focused on his own career rather than justice.”
“Don’t act like a K9 of the previous administration. Prioritize the country’s interests and the general welfare of the people,” pahayag ni Acop.
Hindi katulad ni Dela Rosa, sinabi ni Acop na ang isinusulong ng imbestigasyon ng Kamara ay ang pagsulong ng hustisya at pagkakaroon ng transparency.
“I ran and won as a congressman on my own merit, not by clinging to anyone’s coattails. My job is to uncover the truth and ensure accountability, no matter who is implicated,” sabi ni Acop.
Si Acop ay nagsisilbing vice chair ng lahat ng apat na komite o quad committee ng Kamara na nagiimbestiga sa koneksyon ng iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators, iligal na droga at extrajudicial killings na iniuugnay sa kontrobersyal na drug war ni Duterte.
Sa unang pagdinig ng quad comm, isinalaysay ni dating Customs intelligence officer Jimmy Guban na dawit ang anak ng dating Pangulo na si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, manugang na si Manases “Mans” Carpio—asawa ni Vice President Sara Duterte—at kanyang dating economic adviser na si Michael Yang sa pagpupuslit ng P11 bilyong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifters na idinaan sa Manila International Container Port noong 2018.
Pinuna din ni Acop, na siyang tagapangulo ng House Committee on Transportation, ang kabiguan ni Dela Rosa na ilabas ang mga kritikal na impormasyong ito sa ginawang imbestigasyon ng Senado ukol ng shipment ng imported na droga sa bansa.
“Sen. Dela Rosa’s so-called investigations were a farce. Despite his position, he conveniently ignored the involvement of individuals close to the former president. Who was he protecting?” tanong ni Acop.
“Sen. Dela Rosa’s loyalty lies not with the truth, but with protecting his own interests and those of his political benefactors,” dagdag pa niya.
Nilinaw ni Acop na ang imbestigasyon ng House quad-committee ay walang halong politika at para lamang sa pagkamit ng hustisya.
“We are simply doing our duty. There’s no need to fear the quad-committee unless there’s something to hide. It’s becoming too obvious that Sen. Dela Rosa is scared,” ani Acop.
Hamon pa niya kay Dela Rosa na pangalanan ang mga tinutukoy niyang personalidad sa kaniyang akusasyon.
“We are here to serve the Filipino people, not to act as pawns in anyone’s political game. Unlike Sen. Dela Rosa, our focus is on the truth, and we will not be deterred by threats or accusations,” diin ni Acop
Desidido naman si Acop na malabas ang katotohanan sa mga susunod pang pag dinig ng quad-committee.
“Sen. Dela Rosa may have chosen to be Duterte’s loyal K9, but I will never compromise my principles. We will follow the evidence wherever it leads and hold those responsible accountable—no matter how powerful they are,” sabi pa ng kinatawan ng Antipolo City.