PUMASADA na sa kalsada ang libreng pampasaherong e-QCity bus ngayong hapon , Oktubre 19 .
Sinimulan ng mga mananakay ang libreng sakayng isa sa mga bus na bumaybay mula sa North Avenue patungo sa EDSA Munoz .
Sinigurado ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na magiging maayos at komportable ang mga pasaherong sasakay sa e-bus.
Nasa walong e-bus na ang binili ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na siyang magbibigay ng libreng sakay sa mga residente ng naturang lungsod.