NKABALIK na ng Pilipinas ang 10 Filipino crewmen ng M/V Minoan Courage ang dumating sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City kahapon ng tanghali, Oktubre 23, 2024, ayon sa Department of Migrant workers.
Sakay ng Etihad Airways Flight 424 ang pinaka huling batch ng mga repatriated crew members mula sa 21 Filipino seafarers na sakay ng Greek bulker na sinaktan ng mga rebeldeng Houthi noong Oktubre 1, 2024, habang binabagtas ang Red Sea.
Ang mga naunang batch na binubuo ng 11 seafarers ay nakauwi noong Oktubre 9 at Oktubre 13, 2024.
Ligtas namang nakauwi na ang mga marino sa pamamagitan ng pagsisikap ng DMW at OWWA, sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga lisensyadong manning agencies at sa may-ari ng barko.
Ang concerned manning agency ang nag-ayos din ng mga hotel accommodation para sa mga repatriated seafarer habang hinihintay nila ang kanilang naka-schedule na psychiatric evaluation.
Lahat sila ay makatatanggap ng kinakailangang tulong mula sa DMW AKSYON Fund at OWWA.
Pinangunahan ni DMW Seabased Accreditation Bureau Director Augusto San Diego III, kasama si OWWA Director Falconi Millar, at ang mga kinatawan ng manning agency sa pagsalubong sa mga marino.