ARESTADO ang dalawang mataas na lider ng New Peoples Army (NPA) magkasanib na operasyon ng Army’s 2nd Infantry Division (2ID) at Southern Police District (SPD) nitong Oktubre 27 sa Pililia St., Brgy. Valenzuela, Makati City.
Nahuli sina Gavino Panganiban, na may mga alyas na Nori/Momoy/Benson/Sonny/Mando/Teddy/Rato, batay sa mga warrant of arrest na may Criminal Case # 2018-153-1 na inisyu ng Acting Judge Agripino ng RTC Branch 65 sa Infanta, Quezon at Criminal Case # 16193-G (IV-09B-INV-20K-00089) ng Branch 172, 4th Judicial Region, RTC sa Gumaca, Quezon para sa Murder at Attempted Murder.
Arestado rin si Marites David na kilala rin bilang Teacher Lally/Nikki, batay sa Criminal Case # 21-2862-SRCL na inisyu ni Judge Rosauro Angel David ng RTC Branch 101 sa Sta. Rosa City, Laguna para sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Agad na inilagay sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group para sa dokumentasyon at wastong legal na proseso.
Ang pagkakaaresto sa dalawang lider ay tiyak na magdudulot ng karagdagang pagbaba ng moral sa hanay ng grupong komunista dahil sa sunud-sunod na pagkakaaresto, pagkakahuli, pagsuko, at pagkamatay ng kanilang mga miyembro at lider sa mga nakaraang buwan.