
NASA 116 ang bilang ng mga namatay mula sa nagdaang bagyong “Kristine,” kasama ang 109 na nasugatan at 39 na nawawala, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitng Lunes.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Batangas, kung saan 60 ang naiulat na namatay.
Umabot na 160 lungsod at bayan ang isinailalim sa state of calamity.
Sa pinakaapektadong nasalantang probinsiya ng Bicol naman ay nakapagtala ng 41 na namatay at karamihan dahil sa pagkalunod.
Ang mga nailigtas na residente ay dinala sa iba’t ibang evacuation centers.
Ayon sa NDRRMC, halos isang milyong katao ang naapektuhan ng bagyong Kristine na nagdulot ng pinsala sa 44,000 na kabahayan at 990 na pasilidad ang nasirang imprastruktura sa buong bansa.
Ang halaga ng pinsala sa agrikultura ay tinatayang umabot sa P2.511 bilyon.
Nakaalis na si Kristine sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong Biyernes.